OFWs sa Qatar, pinayapa ang kanilang mga kaanak sa Pilipinas

Qatar – Umapela ang OFWs sa Qatar na huwag palakihin ang isyu sa pagkalas ng Gulf countries sa alyansa sa Qatar.

Ayon sa OFWs sa Doha na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi rin totoong nagkakaroon ng panic buying sa supermarkets doon.

Anila, wala ring dapat ikabahala ang kanilang mga kaanak sa Pilipinas dahil ginagawa naman ng gobyerno ng Qatar ang lahat ng paraan para maproteksyunan ang mga dayuhang manggagawa doon.


Samantala, tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na nananatiling naka-monitor ang Philippine embassies sa Gitnang Silangan sa sitwasyon doon.

Maging ang OWWA ay naghahanda rin sakaling kailanganin ng OFWs sa Middle East.
DZXL558

Facebook Comments