OFWs sa Qatar, uma-apela sa gobyerno na bawiin ang deployment ban

Manila, Philippines – Nananawagan ngayon sa Philippine government ang OFWs sa Qatar na bawiin ang moratorium sa pagpapadala ng OFWs sa nasabing bansa.
Aniya, maraming mga OFWs ang gumastos na sa pagproseso ng kanilang dokumento patungong Qatar.
Iginiit din ng OFWs na normal ang kanilang sitwasyon doon at walang dapat ikabahala ang pamahalaan.
Una nang Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na tuluy-tuloy ang pagproseso ng pamahalaan ng mga dokumento para sa mga nais magtrabaho sa Qatar subalit mananatili ang pansamantalang deployment ban.
Tiniyak din ng DFA na oras na humupa ang tensyon sa Gulf Region ay agad namang aalisin ang suspensyon ng deployment ng OFWs sa Qatar.
DZXL558

Facebook Comments