OFWs sa Saudi Arabia na hindi pa nakakatanggap ng backwages, bibigyan muna ng benepisyo ng pamahalaan

Bibigyan muna ng pamahalaan ng tig-₱10,000 ang mga dating Overseas Filipino Worker (OFW) mula Saudi Arabia na hindi pa nakatatanggap ng kanilang backwages at benepisyo mula sa kanilang employer sa Saudi Arabia.

Ang nasabing tulong ay ilalabas ng gobyerno ng Pilipinas habang hinihintay ang resulta ng usapan sa pagitan ng bansa at Saudi.

₱100 million ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga dating OFW.


Partikular na manggagaling ang pondo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Una nang humingi ang Saudi government ng konti pang panahon para sa pagbibigay ng backwages sa Pinoy workers.

Facebook Comments