Kinumpirma sa DZXL RMN NEWS ng isang Filipino Community leader sa Najran, Saudi Arabia ang patuloy na palitan ng mortar sa pagitan ng Saudi Forces at Houthi rebels ng Yemen. Anila, nababahala na naman sila lalo na’t kamakalawa ay may nakalusot na dalawang bomba sa city proper at may tinamaang tindahan ng medical supplies. Wala naman aniyang nasaktan sa naturang insidente. Ayon pa sa tumatangging magpabanggit ng pangalan ng OFW leader, hanggang ngayon ay patuloy na dumadagundong ang mga bomba sa Saudi-Yemen border. Ang naturang Filipino Community leader ay tumatangging magpabanggit ng pangalan dahil mahigpit aniyang ipinagbabawal ng Saudi government ang paglalabas ng immigrants ng mga sensitibong impormasyon.
Facebook Comments