Nag-anunsyo ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan na bawal na magsagawa ng transaksyon sa kanila ang Overseas Filipino Workers (OFWs) kapag walang appointment.
Layon nito na maiwasan ang pagdagsa ng OFWs sa MECO at para mapanatili ang social distancing protocols.
Sa panahon lamang anila ng emergency cases tatanggapin ang MECO ng walk-in na OFWs.
Samantala, pinayuhan ng MECO ang OFWs sa Taiwan na mag-ingat at palaging uminom ng tubig sa harap ng tumataas na temperatura doon.
Layon nito na maiwasan ang heat stroke at dehydration.
Facebook Comments