OG PERFORMERS NG TANYAG NA ORCHESTRA SA PANGASINAN, NAG-REUNION SA SAN CARLOS CITY

Naging sentro ng kasiyahan ang isang tagpo sa San Carlos City matapos ang tila reunion ng mga OG o orihinal na singers at dancers ng Don Podring De Guzman Orchestra.

Makikita sa video na ibinahagi ni Idol Angeline Cancino-De Guzman ang kanilang masiglang dance steps noong aktibo pa sila bilang mga miyembro ng orchestra.

Sa isang clip, maririnig ang palakpakan ng mga manonood nang kanilang marinig at masaksihan ang isa sa mga patok na awitin at sayaw sa mga pagtitipon, na kanilang tinanghal noon ang “Manila Girl.”

Tunay nga hindi naluluma ng edad ang talento lalo na kapag sabay itong ginagawa kasama ang mga kaibigan.

Tuwing sumasapit ang panahon ng kapistahan, hindi maikakaila na naging bahagi na ng kultura sa ating bayan ang mga orchestra na nagbibigay-aliw at saya sa mga mamamayan, isang bagay na nakagawian na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan sa kabila ng mga naglipanang pagbabago sa teknolohiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments