Binatikos ng talent manager na si Ogie Diaz si Jay Sonza matapos siyang tawagin ng dating broadcaster na “asymptopangit”.
Sa Twitter nitong Linggo, ipinaliwanag ni Sonza ang pinagkaiba ng “asymptomatic” at “asymptopangit” kung saan pinatamaan niya si Diaz.
Aniya, “asymptomatic – you know you have the virus and accepted it. asymptopangit – nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D pero di mo pa rin matanggap.”
asymptomatic – you know you have the virus and accepted it.
asymptopangit – nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap.— Jay Sonza (@JaySonza3) April 18, 2020
Buwelta naman dito ni Diaz, ayos lang daw na gamitin ng dating journalist ang kanyang pangalan kung ikakagwapo niya ito.
Hirit niya pa, sana raw dahil sa ginawa ni Sonza ay makamit na nito ang posisyon sa gobyerno na matagal niya nang gusto.
“Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam,” saad ng talent manager sa Facebook.
“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman,” banat pa niya.
Nagtanong din si Diaz kung talaga bang “pangit” siya, saka tinira ang hitsura ni Sonza.
“Kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako. Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha?” aniya.
Noong Nobyembre nakaraang taon, kinastigo rin ni Diaz si Sonza sa komento nitong “ubod ng pangit” si Rappler CEO Maria Ressa.
“Si Joy Sonza wala yatang salamin sa bahay. Pahiramin nyo nga ang lolo niyo para mapagtanto niyang wala syang karapatang magsabi na pangit ang kapwa nya,” sabi niya rito noon.