Ogie Diaz, ipinagtanggol sina Enrique Gil at Liza Soberano

Manila, Philippines – Todo pagtatanggol ngayon ang comedian at talent manager na si Ogie Diaz sa mga bashers nina Enrique Gil at Liza Soberano matapos umamin ng dalawa na mag-boyfriend na sila ng mahigit dalawang taon.

Nabatid kasi na tumatayong manager ni Liza si Ogie kung saan karamihan sa mga negative comments ay sinasabing press release o PR lamang daw ito dahil sa mayroong pelikula ang dalawa.

Bukod dito, puro kaartehan lang daw ang ipinapakita ng dalawa para kumita ang kanilang pelikula.


Say naman ni Ogie, ang mahalaga daw ay napasaya nina Liza at Enrique ang kanilang mga fans at in fairness naman daw ay marami pa din ang kinilig sa ginawa nilang pag-amin.

Facebook Comments