Nagsagawa ang Department of Health (DOH) ng pag-iikot sa ilang malalaking hospital sa Metro Manila upang paigtingin ang Iwas Paputok 2022 na kampanya sa pangunguna ni DOH Officer-in Charge Maria Rosario Vergeire.
Tiningnan ni Vergiere ang kahandaan ng mga ospital sa pagtugon sa mga mabibiktima mapa-trauma, sugat, o makaranas ng food poisoning at mga aksidente na dulot ng mga paputok.
Ininspeksyon din niya ang mga instrumento na gagamitin sa pag-o-opera.
Nagsagawa pa ng demonstration ang mga doktor kung saan gumamit ng chicken feet upang ipakita kung paano operahan ang nasabugang daliri.
Matapos ang East Avenue Medical Center, sunod namang ininspeksyon ang Jose Reyes Memorial Center at Amang Rodriguez Hospital sa Marikina.
Kuntento naman si Vergeire sa nakitang kahandaan ng mga ospital.
Kasalukuyan nang nakataas ang Code White Alert sa lahat ng mga ospital sa bansa.