OIC | Medialdea, itinalagang care taker ng bansa habang wala ang Pangulo

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Officer in Charge ng Bansa si Executive Secretary Salvador Medialdea habang ito ay nasa labas ng bansa.

Dadalo kasi si Pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Singapore mula ngayong araw hanggang November 15, pagkatapos nito ay dadaluhan naman ni Pangulong Duterte ang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa November 16 hanggang 18.

Sa bisa ng Special Order number 1265 ay inaatasan ni Pangulong Duterte si Medialdea na pangasiwaan ang pang-araw araw na takbo ng Executive Department at inaatasan din ang lahat ng tanggapan ng Pamahalaan sa ilalim ng ehekutibo na suportahan si Medialdea.


Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang kautusan noong November 9.
Mamayang 5:30 naman inaasahang lilipad na ang Pangulo kasama ang kanyang delegasyon sa Singapore para daluhan ang ASEAN Summit.

Facebook Comments