Umangat sa pagiging number 2-man ng Philippine National Police (PNP) si Police LT Gen Michael John Dubria.
Base sa general order na inilabas ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), itinalaga bilang Officer-In-Charge (OIC) PNP Deputy Chief for Administration (DCA) si Dubria.
Bago naging OIC, si Dubria ang number 3-man ng PNP dahil sa pagiging Deputy Chief for Operations nito.
Samantala, nilinaw naman ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na habang OIC ng DCA si Dubria ay hahawak pa rin nito ang ang pwesto ng Deputy Chief for Operations (DCO).
Nabatid na nitong nakaraang Sabado ay opisyal na nagretiro sa serbisyo sa PNP si Lt. Gen. Emmanuel Peralta na dating may hawak sa DCA matapos maabot ang mandatory retirement age na 56.
Facebook Comments