Oil and natural gas explorations, pinatutukan ng isang senador

Iginiit ni Committee on Energy Chairman Senator win Gatchalian sa pamahalaan na itodo na ang oil and natural gas explorations dahil wala ng ligal na balakid para dito.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng pagresolba ng arbitration court sa Singapore sa 1.1Billion Dollar Malampaya Tax Arbitration Case sa pagitan ng gobyeno at ng Shell Philippines Exploration B.V.

Sabi ni Gatchalian, ang nabanggit na kaso ay naging dahilan kaya  ayaw ng mga dayuhan na mamuhunan sa petroleum explorations dito sa Pilipinas.


Diin ni Gatchalian, ngayon ay mahalagang tutukan na ng pamahalaan ang “drill, drill, drill” program para matiyak ang pakinabang natin sa oil and gas resources na meron tayo.

Tiwala si Gatchalian na ito ang daan sa pagkamit ng ating energy independence at sa posibilidad na maging energy exporting powerhouse din tayo sa hinaharap.

Facebook Comments