Oil companies, magpapatupad ng taas-presyo ngayong araw

Magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng gasolina ang ilang kumpaniya ng langis ngayong araw dahil sa pagsipa ng halaga ng ethanol.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Caltex, PTT Philippines, SeaOil, Phoenix Petroleum, Flying V, Petron at Eastern Petroleum, P0.10 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.


Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na nagpatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

Simula Enero 1 hanggang Abril 21, nasa P10.19 na ang iminahal sa presyo ng gasolina, P7.64 sa diesel at P5.17 sa kerosene.

Facebook Comments