Oil companies, nagpatupad ng bawas presyo

Good news sa mga motorista!

Matapos ang apat na sunud-sunod na linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, nagpatupad naman ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis.

Epektibo kaninang umaga, nagpatupad ng bawas presyo ang kumpanyang Phoenix Petroleum.


Umabot sa P0.65 kada litro ang kanilang bawas presyo sa gasolina habang P0.35 naman sa kada litro ng diesel.

Inaasahan namang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Facebook Comments