Oil companies, pupulungin ngayong araw ng liderato ng Kamara para hanapan ng solusyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Alas-3 mamayang hapon sa Batasang Pambansa Complex ay nakatakdang pulungin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga kinatawan ng oil companies kasama ang mga miyembro ng House Committee on Energy.

layunin ng hakbang ni Romualdez na mahanapan ng win-win solution ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Kabilang sa mga inaasahang haharap sa consultative meeting ang mga kinatawan ng Petron Corporation, Pilipinas Shell Petroleum Corp., Independent Philippine Petroleum Companies Association, Chevron Philippines, Inc., Philippine Institute of Petroleum, Flying V, at Total Philippines Corp.


Imbitado din ang mga opisyal ng Department of Energy sa pangunguna ni Undersecretary Sharon Garin.

Samantala, bukod dito ay plano din ni Speaker Romualdez na makipagdayalogo sa mga manufacturer ng canned goods at basic foods gayundin sa mga supermarket association.

Kaugnay ito sa sa kanilang planong pagtataas sa presyo ng kanilang paninda dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Tiniyak ni Romualdez na mayroong mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan upang maibsan ang sitwasyon sa bansa subalit ang kinakaharap nating hamon ay pandaigdigang krisis.

Facebook Comments