Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na magiging matagumpay at makakakita ng oil deposit ang ratio petroleum limited sa East Palawan Basin.
Matatandaan na kahapon ay nilagdaan ang isang Oil Exploration Deal sa pagitan ng Pilipinas at ng Ratio Petroleum na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang Pilipinas sa pag-unlad ay dahil walang oil reserve ang bansa hindi tulad ng ibang bansa sa Asya.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na dahil sa langis ay naging mabilis ang pag-unlad ng Brunei, Indonesia at Malaysia.
Kaya naman sinabi ni Panelo na sana ay maging maganda ang resulta ng oil exploration sa East Palawan Basin kung saan kaya nitong galugarin ang mahigit 400 libong hektarya sa nasabing bahagi ng karagatan.
Nagkakahalaga ang oil exploration ng mahigit 34 million US dollars.