Oil players, pinatutulong ng liderato ng Kamara sa pagpasan sa mataas na presyo ng produktong petrolyo

Iminungkahi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kompanya ng langis na bawasan ang kanilang kita para bumaba ang presyo ng produktong petrolyo at mabawasan ang epekto nito sa mga ordinaryong Pilipino.

Sa isinagawang consultative meeting ay sinabi naman ng mga kinatawan ng mga kompanya ng langis na ipararating nila sa kanilang mga principal ang apela ni Speaker Romualdez.

Sa natuarng pulong ay ipinanukala naman ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta ang pagrepaso sa Oil Deregulation Law upang maging transparent ang pricing scheme na ginagamit ng mga oil industry player.


Binanggit ni Marcoleta na nakakuha ng Temporary Restraining Order ang mga kompanya ng langis laban sa circular na inilabas ng DOE na nag-uutos sa kanila na magsumite ng detalyadong komputasyon ng kanilang pagpipresyo sa kanilang mga produkto.

Kinwestyon naman ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pare-parehong halaga ng pagtataas na ipinatutupad ng mga kompanya ng langis na kanilang lingguhang isinusumite sa Department of Energy na dapat ay gawin lang aniya sa panahon na kinakailangan.

Bukod sa mga kinatawan ng mga kompanya ng langis ay dumalo din sa naturang consultative meeting ang iba pang miyembro ng Kamara at mga opsiyal ng DOE sa pangunguna ni Undersecretary Sharon Garin.

Facebook Comments