OIL PRICE HIKE | DOE – aminadong tali ang kamay sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Energy na walang magawa sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero – nakatali ang kamay ng DOE dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod na rin ng supply disruption.

Itinuturong dahilan ng DOE ang tensyon sa gitnang silangan kung kaya’t nagpatupad ang mga oil companies ng malakihang oil price hike.


Nabatid na magmula noong Enero ay umabot na sa P9.60 ang itinaas kada litro ng gasolina habang aabot naman sa P10.10 ang itinaas sa presyo kada litro ng diesel

Epektibo kaninang umaga, P1.60 ang idinagdag sa presyo kada litro ng gasolina habang P1.55 kada litro ang dagdag sa singil sa diesel at Piso ang dagdag sa kerosene.

Facebook Comments