OIL PRICE HIKE | Ilang supermarket, planong magtaas ng kanilang produkto

Manila, Philippines – Plano ng ilang supermarket na magtaas na rin ng presyo sa kanilang produkto.

Ayon kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarket Association, ito ay dahil sa patuloy na oil price hike at sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Aminado naman si Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, na may epekto na sa ilang bilihin ang 33 percent na oil price hike.


Katumbas ito ng aniya ng P0.20 na dagdag sa presyo ng isang lata ng sardinas, P0.30 para sa sabon panlaba, P0.18 para sa instant noodles at P0.60 sa kape.

Tiniyak naman ng DTI na maglalabas sila ng bagong Suggested Retail Price o SRP na magiging gabay ng mga mamimili.

Facebook Comments