Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ng kanilang oil price hike ang ilang kumpanya ng langis.
Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ang Seaoil, Flying V at Pilipinas Shell ng pisong dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa diesel at P0.85 sa kerosene.
Kaparehong dagdag-presyo rin ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum maliban sa kerosene.
Mamaya inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang taas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad sila ng oil price hike.
Facebook Comments