OIL PRICE HIKE, NAKAAMBA SA SUSUNOD NA LINGGO

Posibleng maranasang muli ng mga motorista at PUV drivers ang price hike sa krudo sa susunod na linggo.
Sa Gasoline, maaaring tumaas ng mula 15 hanggang 60 cents sa kada litro, posible rin ang umentong mula 70 cents hanggang 1 peso and 20 cents sa per liter ng Diesel at Kerosene na maaaring sumirit mula sa 75 cents hanggang 1 pesos and 25 cents.
Kung maimplementa sa sunod na linggo magpapatuloy ang serye ng oil price hike sa merkado dahil kasalukuyang umiiral ang nauna nang ipinatupad ng taas presyo sa krudo.

Samantala, sa Dagupan City, reklamo ng mga tsuper ang dagdag presyo sa langis lalo raw ngayon na mahaba haba ang iniikutang ruta, kasabay pa raw ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko. |ifmnews
Facebook Comments