Oil price rollback at pisong dagdag sa pamasahe, halos hindi maramdaman ng mga tsuper!

Inihayag ng ilang mga jeepney drivers na hindi nila halos maramdaman ang pisong dagdag sa pamasahe at ang ₱3.00 rollback naman sa ilang produktong petrolyo noong Martes.

Ayon sa mga jeepney drivers, napupunta halos ang kanilang kita sa krudo at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dagdag pa nila, nasa ₱500.00 na lang ang kadalasang nauuwi nila sa pamilya.


Hiling lang talaga anila na maitaas sa ₱15.00 ang minimum fare sa mga jeep at magtutuloy-tuloy ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Una na ring nanawagan ang grupong ‘Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide’ (Piston) sa pagtanggal ng excise tax sa langis para bumaba ang presyo nito.

Facebook Comments