Oil price rollback, ipinatupad ng mga kompanya ng langis

91

Good news sa mga motorista sa pagpasok ng bagong taon ang panibagong oil price rollback.

Epektibo kasi kaninang umaga ay nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang Eastern Petroleum at Petro Gazz.

Nasa P1.80 ang ibinaba sa presyo ng diesel, habang P1.30 naman sa gasolina.

Samantalang P1.90 ang rollback sa kerosene.

Una ng nag-rollback ang UniOil, Sea Oil, Phoenix, PTT Philippines, Jetti noong Sabado.

Sa kabuuan ng 2018, naitala ang 31 beses na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo samantalang 21 beses lang ito nag-rollback.

Facebook Comments