Oil price rollback, namumuro sa susunod na linggo

Pahinga muna sa oil price hike

Dahil bawas-presyo naman sa mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga oil company sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng trading, maglalaro sa 70 hanggang 90 centavos per liter ang posibleng maging tapyas sa presyo ng gasolina.


Piso hanggang piso at bente sentimos naman sa diesel habang hanggang piso rin sa kerosene.

Maaari pa itong magbago depende sa resulta ng trading kahapon.

Una nang sinabi sa interview ng RMN Manila ni DOE – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad na bababa ang presyo ng langis sa world market dahil sa posibleng economic recession sa Japan at Britanya.

Facebook Comments