Oil price rollback, posible pa sa mga susunod na linggo – DOE

Maaaring magkaroon ulit ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Sa harap ito ng posibleng panibagong round ng interest hike na nakatakdang pag-usapan ng Amerika sa July 26 at 27.

Nabatid na bukod sa COVID-19 lockdown sa China, isa rin ang interest hike sa mga dahilan ng pagbaba ngayon ng presyo ng langis.


Paliwanag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, kapag nagkaroon ng panibagong interest hike ay bababa rin ang fuel demand.

“’Yang dalawa lang naman talaga na ‘yan ang nag-cause ng sunod-sunod na rollback. Tingin lang natin, kung masusundan, kasi may plano po ang US Federal Reserve na magkaroon ng policy rate review ngayong July 26-27, ‘pag yan po’y na-implement yan, lalong madadagdagan yung pagkontrol sa economic acvitivity… most likely may tama po yan sa pagbaba ng fuel demand,” saad ni Abad sa interview ng DZXL 558 RMN Manila.

“Baka maka-expect pa tayo ng additional rollback in the coming weeks.”

Sa kabila nito, sinabi ni Abad na malaki pa rin ang impact ng giyera ng Russia at Ukraine sa presyuhan ng langis sa world market.

“Sa Russian-Ukraine [war], ang problema kasi dyan, habang sina-sanction ng Europe ang Russia, floating po ‘yung oil nila. In other words, hindi po naibebenta,” aniya.

“Kawalan po ‘yan dun sa international market kasi ngayon, ang Europe nakikipag-agawan naman dito sa ibang parte ng mundo like Middle East at saka ng Amerika. Ang kanila, kadamihan kasi 60% kumukuha sila dati sa Russia tapos bigla na nilang kukunin ngayon sa Middle East. E talagang nakikipag-agawan na sa atin, so nahihirapan na naman tayo dito sa part natin,” paliwanag ng opisyal.

Facebook Comments