Oil refinery sa West Java, Indonesia, nasunog; 5, sugatan

Tinatayang limang indibidwal ang sugatan habang nasa 950 ang inilikas matapos sumiklab ang sunog sa isang oil refinery sa West Java, Indonesia.

Ayon sa Indonesian State Oil Company Pertamina, sa ngayon ay inaalam pa nila ang pinagmulan ng sunog.

Nabatid na nagpo-proseso ng 125,000 na barrel ng langis ang nagagawa ng nasabing oil refinery.


Sa ngayon, plano muna ng kompanya na ipasara ang planta at magsagawa ng ‘oil flow control’ upang hindi na kumalat pa ang langis at magdulot ng mas malalang insidente.

Facebook Comments