Oil removal operation mula sa lumubog na barko sa Naujan, Oriental Mindoro, nakumpleto na — PCG

Nakumpleto na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil removal o recovery operation mula sa lumubog na M/T Princess sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon sa PCG, malinis na ang lahat ng walong cargo oil tanks at ang tanging inoobserbahan na lamang ay ang oil drips mula sa cargo piping.

Nagsimula ang naturang operasyon noong May 29,2023 kung saan nakompleto ito ngg PCG sa loob ng dalawampung araw.


Samantala, sa kasalukuyan ay may minomonitor pang dalawang tugboats ang PCG para matiyak na wala ng tumatagas na langis mula sa fuel pipes ng MT Princess Empress.

Facebook Comments