Oil spill cleanup drive sa Pola, 80% nang kumpleto; 74% sa Naujan

Walumpung porsiyento na ng baybayin ng Pola, Oriental Mindoro ang nalinis mula sa oil spill bunsod ng lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero.

Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi bababa sa 28 ng 34 na kilometrong baybayin ng Pola ang nalinis.

Kabilang rito ang mga baybaying sakop ng Misong, Tagumpay, Puting Caco, Tiguihan, Bayanan, Zone 1, Zone 2, Batuhan, Calima, Buhay Na Tubig, at Bacawan.


Habang 74% na ring kumpleto ang clean up drive sa mga baybayin ng Naujan kabilang ang nasa Masaguing at Herrera.

Idineklara naman ng PCG na 100% clean ang mga barangay ng Tiguihan, Zone 1 at Zone 2 sa Pola.

Facebook Comments