Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) Batangas na umabot na sa Isla Verde, Batangas City ang oil spill.
Ito ang kinumpirma ni PCG Batangas Station Commander Capt. Victorino Acosta.
Ang langis na tumagas ay mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Batay sa inisyal na ulat ang Brgy. San Agapito, ang unang tinamaan ng oil spill kung kaya’t agad na nagtungo ang tauhan ng PCG sa lugar at kasalukuyang nagsasagawa ng clean up operations.
Sinabi pa ni Acosta, pinaghahandaan nila ang mga dapat na hakbang hindi lamang sa mga barangay kung hindi maging sa munisipalidad na maaapektuhan ng oil spill.
Aniya, may nakaantabay na silang mga tauhan sa San Juan, Lobo, Batangas Bay at Tingloy, Calatagan kung saan maging sa lahat ng coastal area sa Batangas ay nananatili silang nakaantabay.