Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtagas ng langis ng isang commercial vessel na napadaan sa Balingawan Point sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ito ay hindi kalayuan sa lugar kung saan bahagyang lumubog ang motor tanker.
Patuloy pang bineberipika ng PCG kung ang namataang oil spill ay diesel o ang bahagi ng 800,000 litro ng industrial fuel oil na dala ng MT Princess Empress.
Nakatakda namang maglatag ng oil spill boom ang PCG sa paligid ng pinaglubugan ng MT Princess Empress upang maiwasan ang lalo pang pagtagas ng langis.
Una rito, nagpalipad ng CGH-1451 (airbus helicopter) ang Coast Guard Aviation Force para makapagsagawa ng aerial surveillance.
Facebook Comments