Itinuturing ng Department of Science and Technology (DOST) na “under control” na ang oil spill situation sa Limay, Bataan.
Ito’y kasunod ng paglubog ng fuel tanker na MT Terra Nova noong kasagsagan ng Bagyong Carina.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOST Lead Expert on Oil Spill Dr. Hernando Bacosa na naselyuhan na ang mga leading valves kung saan tumatagas ang langis mula sa lumubog na tanker.
Pero nananatili pa rin aniya ang panganib na dala nito sa kalikasan, kabuhayan, at kalusugan hangga’t hindi pa tuluyang naaalis ang lahat ng langis na laman ng tanker.
Samantala, ayon kay Bacosa, kung iku-kumpara sa oil spill sa Mindoro noong nakaraang taon ay mas kaunti ang tumagas na langis sa Limay, Bataan, na mas mababa sa 100,000 litro.
Mas mababaw rin aniya ang pinaglubugan ng tanker na nasa 30 metro lamang kumpara sa 400 metro sa Mindoro oil spill, dahilan kung bakit pahirapan ang pag-selyo ng leaking valves noon.