Oil spill sa Oriental Mindoro, niresponde nang Philippine Coast Guard

Manila, Philippines – Inaksyunan agad ng Philippine Coast Guard ang napaulat na oil spill sa DMCI Power Corpiration sa Oriental Mindoro upang hindi na kumalat pa sa karatig lalawigan.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Arman Balilo tinatayang umaabot sa 800 liters at lumulutanga ngayon malapit sa kalapit na creek at 8 hektarya ang lawak ng naturang oil spill.

Paliwanag ni Balilo umaabot na sa 10 drums ng oil spills ang nakulekta ng Coast Guard at nagpapatuloy pa rin ang ginagawang operation upang tuluyan ng maalis ang oil spill.


Giit ng opisyal na wala pang investigation ang DMCI tungkol sa tunay na nangyari na ang bunker fuel ang naging dahilan ng oil spill sa naturang lugar.

Facebook Comments