Oil spill, wala pa sa Verde Island at Puerto Galera

Wala pang namamataang bahid ng oil spill sa Verde Island Passage at sa Puerto Galera.

Ayon kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, batay ito sa natanggap nilang inspection report mula sa Philippine Coast Guard (PCG) kaninang umaga.

Negatibo rin aniya ang kanilang karagatan mula sa fish kill.


Pero aminado ang alkalde na posible pa ring magkaroon ng oil slick sa Puerto Galera at naghahanda na sila para dito.

Facebook Comments