OJT sa mga tanggapan ng gobyerno, dapat may sweldo

Manila, Philippines – Pinabibigyan ni Senator Grace Poe ng sweldo o minimum wage ang mga estudyante na nasa on-the job o OJT training sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Ayon kay Poe, nakapaloob ito sa panukalang ihahain niya na magtatakda ng internship programs sa lahat ng government offices.

Ipinaliwanag ni Poe na dapat swelduhan ang mga mag-aaral na tumutulong sa mga kompanya o tanggapan ng pamahalaan habang pinapahusay ang kanilang skills o kakayahan.


Tinutukoy din ni Poe ang data mula sa Labor Department na noong 2018 ay umabot sa 75.2 percent o 1.73 million ng mga walang trabaho na edad kinse hanggang 34-anyos.

Tiwala si Poe na ang ihahain niyang panukala ay tutugon sa malaking bilang ng mga walang trabaho mula sa hanay ng mga kabataan.

Facebook Comments