OKAY LANG | Nadine Lustre, Kim Chiu – walang sama ng loob sa pagkakabalewala sa kanila sa movie premiere ng kanilang mga boyfriend

Manila, Philippines – Hindi big deal para kina Nadine Lustre at Kim Chiu ang nangyaring misunderstanding sa premiere night ng “Miss Granny” kung saan leading men dito ang kanilang mga boyfriend na sina Xian Lim at James Reid.

Nabatid kasi na sa naturang event, maraming nakapansin na nasa malayong upuan sina Kim at Nadine dahil pinaalis daw ito ng mga organizers dahil sa naka-reserve ang naturang upuan.

Dahil dito, nag-init ang ulo ng ilang fans sapagkat nabalewala sina Kim at Nadine na todo support pa naman sa nasabing movie.


Pero say ni Nadine, hindi daw naintindihan ng iba ang nangyari dahil para sa kaniya ay hindi naman ito big deal kung saan nilinaw rin ni Kim na hindi ito dapat gawing isyu.

Maging ang Viva Films ay nagpaliwanag na din sa insidente at kanilang nilinaw na may mga nakalaang upuan para sa kanilang mga bisita pero hindi nila makontrol kung sinu-sino ang mga kasama ng mga ito na wala sa kanilang masterlist.

Facebook Comments