Oklahoma City Thunder, wagi kontra Milwaukee Bucks

Sports – Umiskor lamang ng dose puntos si reigning league MVP Russell Westbrook pero sapat na ito para talunin ng Oklahoma City Thunder ang Milwaukee Bucks, 110-91 sa NBA.

Pinangunahan ni Paul George sa kaniyang 20 points ang balanced scoring ng Thunder para makuha nila ang kanilang ikatlong panalo sa anim na laro.

Umiskor naman ng game high 28 points si Greek Freak Giannis Antetokounmpo pero hindi ito naging sapat para malasap ng Bucks ang kanilang ikalawang talo sa anim na laro.


Facebook Comments