Okupado na ang 1,871 na kama mula sa 3,240 isolation beds na inilaan sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), katumbas ito ng 57.75% utilization rate mula sa ng 32 isolation facilities sa 14 na lungsod sa Metro Manila.
Sa 32 isolation facilities, walo ang wala ng bakanteng kama.
Habang sa 1,369 na bakanteng isolation beds, pinakamarami ang nasa Emilio Jacinto Senior Highschool sa Quezon City na nasa 244 kama.
Sinundan ito ng Air Force 1 sa Parañaque City at PICC Forum Quarantine Facility sa Pasay City.
Facebook Comments