OLD DSWD RUINS SA DAGUPAN CITY, BINGYAN NG KULAY GAMIT ANG PAGPAPAKITA NG MGA ARTWORKS NA BAHAGI NG GALILA ARTS FESTIVAL

Binigyan muli ng kulay ang lumang DSW Ruins sa Dagupan City sa pamamagitan ng Orange Project mula pa sa Bacolod City at kasama ang mga umuusbong na artist sa AGINI sa Dagupan City.
Dito ay muling nabigyan ng buhay, sinindihan at naging creative hub ang naturang lugar sa ginanap na culmination program kamakailan.
Dati umanong ginamit bilang leprosarium ang naturang lugar na kalauna’y inabandona na at naging libreng espasyo na lamang ng mga residente sa lungsod.

Makikita sa Old DSWD Ruins ang ilan sa ipinintang artworks, art pieces, at creative materials gawa ng mga lumahok na artists.
Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng Galila Arts Festival at Creative TravEx sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism Region 1 at tanggapan ng 4th District Representative, Congressman Christopher De Venecia.
Ang mga iconic at malikhaing sining na ito ng Bacolod-Pangasinan ay nagsimula ng ipakita sa publiko nitong March 19, 2023. |ifmnews
Facebook Comments