Pinangunahan ito ni outgoing 5ID Commander MGen Laurence E Mina na kung saan binigyang diin nito sa kanyang talumpati ang pagkakaroon ng puso ng isang Kampeon.
Ang mga sumaling kalahok ay halos mga anak ng opisyal at sundalo ng 5ID na nasa edad walo hanggang labing walong taong gulang.
“Never underestimate the heart of a Champion”, ilan lamang ito sa kanyang binigyang diing mensahe sa mga lumahok sa nasabing kompetisyon.
Dagdag pa ng Heneral, dapat aniyang asamin ng bawat manlalaro ang maging isang Kampeon sa pamamagitan ng dalawang bagay tulad ng hardwork at perseverance.
Ang naging kauna-unahang Olen Taekwondo Tournament ay nagsilbing balik-tanaw kay MGen. Mina bilang dating manlalaro at black belter ng larong Taekwondo.
Inihayag pa ng Heneral na bagamat magreretiro na ito bilang pinuno ng Star Troopers ay nakahanda pa rin itong sumuporta sa kaparehong torneo ganun din sa iba pang palaro gaya ng golf at shooting sa mga susunod pang taon.
Ayon naman sa pamunuan ng Division Public Affairs Office ng 5ID, magsisilbing alaala ito ng Heneral sa 5ID at pamana sa mga susunod na henerasyon.
Magsisilbi din itong testimonya sa kontribusyon at mabuting pamumuno ng Heneral para mawakasan ang insurhensiya sa nasasakupan nito at sa buong bansa.