Olympic champion na si Hidilyn Diaz, inaming nangangalap muli ng pondo para sa 2024 Paris Olympics

Inamin ni Olympic weightlifting champion na si Hidilyn Diaz na hirap muli siyang pondohan ang kaniyang paglalakbay upang subukan muling mag-uwi ng ginto sa 2024 Paris Oympics.

Sa isang panayam, sinabi ni Diaz na mangangailangan siya ng pondo para sa serye ng kompetisyon na sasalihan niya upang ma-qualify sa 2024 Olympics.

Ayon pa sa Pinay weighlifter, batid niyang akala ng maraming Pilipino na hindi na niya kailangan ng tulong dahil sa sandamakmak na insentibo na nakuha niya matapos masungkit ang gold medal sa Tokyo Olympics noong 2020.


Paglilinaw nito, nakalaan ito para sa kaniyang future sa labas ng sports at iginiit na hindi sustainable kung gagamitin niya ang ipinanalo niya sa gagastusin niya sa mga patimpalak.

Mababatid na ganito rin ang ginawa ni Diaz noong 2019 kung saan ikinagulat ng publiko ang panghihingi niya ng pondo para sa Tokyo Games sa kabila ng pagkapanalo niya ng ginto sa 2018 Asian Games.

Facebook Comments