Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, pinagagawaran ng “Congressional Medal” ng Kamara

63

Pinagagawaran ni Assistant Majority Leader at Rizal Rep. Fidel Nograles ng “Congressional Medal of Achievement” si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Kasunod na rin ito ng pagkapanalo ni Diaz sa women’s 55kg weightlifting division sa 2020 Tokyo Olympics.


Sa 97 taon ay ngayon lamang nasungkit ng bansa ang mailap na gintong medalya sa Olympics.

Ayon kay Nograles, matagal na hinintay ng bansa ang gintong medalya at nararapat lamang na bigyan ng pagkilala ng Kongreso ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa.

Aniya, hindi lamang karangalan ang ibinigay ni Diaz sa bansa kundi nag-uumapaw na pagpapahalaga at kasiyahan sa lahat ng mga Pilipino.

Samantala, naghain naman si Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe ng resolusyon para bigyang papuri at pagkilala ng Kamara ang Olympic gold medalist na si Diaz.



Facebook Comments