Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, inaasahang darating na sa bansa ngayong hapon

Inaasahang makakabalik na sa Pilipinas ngayong hapon ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz mula sa Tokyo, Japan.

Nakaalis ng Japan si Hidilyn bandang ala una ng hapon at lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong alas-5:45 sakay ng PAL flight PR427 Narita – Manila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na babalik ito sa Manila matapos ang kaniyang training at laban sa ibang bansa ng mahigit isang taon.


Samantala, kasamang uuwi ni Diaz ngayong araw sa bansa ang Filipino skateboarder na si Margielyn Didal na nagtapos naman sa ika-pitong pwesto sa Tokyo Olympics.

Sasalubungin din ng Philippine Air Force si Hidilyn sa kanyang pagdating ngayong hapon.

Ang mga PAF personnel ay lilinya sa isang gilid ng kalye sa NAIA Terminal 2 at iwawagayway ang bandila ng Pilipinas.

Mahigpit namang ipatutupad ang 5 meter distancing.

Facebook Comments