Olympic medalist Hidilyn Diaz, naglunsad ng fund raising para sa mga apektado ng COVID-19

Nagsagawa ng isang fund raising ang Olympic medalist na si Hidilyn Diaz sa pamamagitan ng weightlifting seminar upang makatulong sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Diaz, nakapagbigay na siya ng mga food packs sa 30 pamilya sa Bustos, Bulacan at 30 pamilya rin sa kanilang bayan sa Barangay Mampang, Zamboanga City.

Sa ngayon, aniya, may nasa ₱50,000 na ang kaniyang nalikom bilang mga registration fees sa nabanggit na seminar.


Matatandaang nakapasok na si Diaz sa Tokyo Olympics ngunit inilipat ito ng petsa sa susunod na taon dahil sa COVID-19.

Facebook Comments