Oman at UAE, isinama na rin sa limang bansang pinatawan ng travel restrictions; extended hanggang May 31

Hinigpitan pa ng pamahalaan ang border restrictions nito para mapigilan nag pagkalat ng COVID-19 variants.

Matatandaang naitala na sa bansa ang dalawang kaso ng B.1.617 COVID-19 variant mula sa India.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipapatupad na rin ang travel restrictions sa lahat ng mga pasaherong manggagaling ng Oman at United Arab Emirates (UAE) hanggang katapusan ng buwan.


Ang lahat ng pasaherong may travel history sa dalawang nabanggit na bansa sa loob ng 14 na araw ay pagbabawalang pumasok sa Pilipinas simula bukas, May 15 hanggang May 31, 2021.

Ang mga pasaherong ‘in transit’ at mga pasaherong makakarating sa bansa bago ang May 15 ay papayagan pa ring makapasok sa bansa pero dadaan sa mahigpit na quarantine at testing protocols.

Una nang nagpatupad ng travel restrictions sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, at Sri Lanka.

Facebook Comments