Oman, nakipagpulong sa DOLE matapos ipahinto ang pagpapadala ng mga OFWs doon

Nakipagpulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Sultanate of Oman para resolbahin ang isyung may kinalaman sa pagsususpinde ng pamahalaan sa pagpapadala ng mga OFW sa nasabing bansa.

Bago ito, nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Governing Board Resolution No. 05 na nagpapahinto sa OFW deployment sa Oman.

Ayon kay Labor Information and Publication Service Director Rolly Francia, nagkaroon ng pulong si Sec. Bello sa kanyang counterpart sa Oman matapos ibaba ang deployment suspension.


Nabatid na nag-ugat ang suspensyon sa pagpapadala ng mga OFWs sa Oman sa pagbabawal nila sa pagpasok ng mga biyaherong mula sa Pilipinas.

Facebook Comments