OMANIZATION | POEA, tiniyak ang mga trabahong maaring pasukan ng mga maaapektuhan ng 6-month suspension sa visa ng Oman

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Overseas Employment
Administration (POEA) na may trabahong pwedeng pasukan ang mga maaapektuhan
ng ang anim na buwang suspensyon sa visa ng Oman para sa mga banyagang
manggagawa sa 87 klase ng trabaho.

Kabilang sa mga apektado ang ilang posisyon sa information technology,
finance, marketing, engineering, at medisina.

Ayon kay Joecelyn Sanchez, POEA deputy administrator, pwede namang
mag-apply ang mga maaapektuhang skilled workers sa Japan.


Aniya, nangangailan roon ng farmers, skilled workers na bihasa sa
electronics, welders, pintor, machine operators at house hold service
workers.

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na kinukuna na nila
ang profile ng mga Pinoy sa Oman.

Sa huling taya ng DOLE, nasa 45,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa
Oman, kabilang ang mga undocumented.

Pero, karamihan sa mga ito ay household workers kaya posibleng hindi
masyadong maapektuhan ng Omanization.

Facebook Comments