OMB, bibigyan ng hanggang 6 na buwan bago tuluyang isara

Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na bigyan ng hanggang anim na buwan na pondo ang Optical Media Board (OMB) bago ang tuluyang pag-phase out o pagpapasara nito.

Sa ginanap na deliberation para sa OMB, sinabi ni Gatchalian na obsolete o lipas na ang ahensya dahil wala naman nang gumagamit ng CD.

Dahil dito, pabor ang senador sa tuluyang pag-phase out o pagpapatigil ng operasyon ng OMB.

Kailangan aniyang mahanap ang tamang transition para sa mga empleyadong maaapektuhan ng tuluyang pagpapasara ng OMB.

Maaari aniyang bigyan ng tatlo hanggang anim na buwan na “winding-down budget” ang OMB at saka maililipat ang pondo sa iba pang ahensyang may may katulad na tungkulin o trabaho.

Para naman matiyak na may trabaho pa rin ang mga empleyado ng OMB bago ito buwagin, sila ay ililipat sa ahensyang may parehong operasyon tulad ng Film Development Council.

Facebook Comments