Ombudsman Conchita Carpio-Morales – Hindi Umano Takot Sa Mga Banta Sa Kaniyang Buhay

6

MANILA – Palabang sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi siya natatakot sa kabila ng mga banta umano sa kanya ng kampo ni Vice President Jejomar Binay.Ayon kay Morales, isang opisyal ng pamahalaan na kaalyado ni Binay ang nagsabing hahabulin siya ng kampo ng Bise Presidente kapag nanalo itong pangulo sa halalan.Matatandaang sinampahan ni binay ng damage suit si Morales noong nakaraang taon kasama ang ilang Senador at mga bumubuo sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa umano’y paninira sa kanya.Pero giit ni Morales, hindi niya isusugal ang kanyang kredibilidad at reputasyon para lang manira ng ibang tao.Samantala, hindi naman nagbigay ng sagot si Binay pero itinanggi ng kampo nito ang nasabing paratang.Hamon ni United Nationalist Alliance (UNA) President Toby Tiangco, pangalanan ni Morales ang mga taong nagbigay ng banta sa kanya.

Facebook Comments