Ombudsman Conchita Carpio Morales, may bwelta kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Palaban ang sagot ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya basta-basta papayagang humarap sa Ombudsman ang iimbestigahang pulis at sundalo.

Sabi pa ni Morales, wala namang sulat o liham na nag-oobliga sa mga sundalo at pulis na kailangan munang humingi ng permiso sa pangulo bago humarap sa isang imbestigasyon.

Sa totoo lang aniya, pwede namang hindi na magpakita sa kanila ang mga ipapatawag na pulis at sundalo pero kasabay nito, nilinaw din ni Morales ang hindi na naman niya pagsipot sa ikalawang State Of the Nation ni Pangulong Duterte.


Facebook Comments