Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pinagbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ni VACC Chairman Dante Jimenez si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Kasunod ito ng pagbababa sa kasong isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng Mamasapano incident.

Sa interview ng RMN kay Jimenez, tinawag nitong bias si Morales.


Aniya, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang dapat na isampa laban kay Aquino.

Dahil dito, giit ni Jimenez dudulog na sila sa Supreme Court.

Kahapon, naghain na ng motion for reconsideration sa Ombudsman ang mga pamilya ng tinaguriang SAF 44.

Facebook Comments